Ficool

Chapter 196 - Chapter 26

"Labis na perwisyo na ang binigay mo sa pamilya mo Jinron lalo na sa ibang pamilya sa Central Region tapos hanggang dito ba naman ay dadalhin mo ang ugaling unggoy mo. Muntikan mo nang patayin lahat ng tao sa Rehiyon na ito!" makahulugang sambit ni Kai habang makikita ang galit na nakapaslak sa mukha nito.

"An-anong si-sinasabi m-mo h-ha?! Wa-wala ak-akong ginagagawang masama at paano ko naman kayong papatayin ha?!" Sambit ng nakarobang itim na si Jinron.

"Hindi mo ba alam ang ginagawa mo Jinron ha?! Muntik mo nang ma-trigger ang isang bagay na pagsisisihan mo! Hindi mo na alam na nagkakaroon ng Moon Qi Deviation ang binatang iyan at hindi lamang iyon dahil nagti-trigger na ang nalalapit nitong pagbreakthrough!" Sambit ni Kai habang masamang nakatingin kay Jinron.

"Ano?????!!!!" Sambit ni Jinron habang animo'y parang bomba itong sumabog sa buong pagmumukha nito.

"Kasalanan mo to eh... Alam mo ba alam kung gaano ka delikado ang Moon Qi?! Kung gaano kalakas ang enerhiya ng buwan ay ganon din ang maaaring ibigay nito sa bago pa lamang mag-absorb ng enerhiya mula sa buwan!" Sambit ni Kai habang makikita ang labis nitong galit kay Jinron.

"Moon Qi?! Ang enerhiyang inaabsorb ng binatang yan ay totoong Moon Qi?!" Sambit ni Jinron habang hindi mapigilang halos laglag pa ngang nakatingin sa humahalakhak pa rin na binata.

"Oo, at kailangan nating umalis sa lugar na ito. Napakadelikado para tayo'y manatiling malapit sa binatang ito. naikwento sa akin ni lolo na espesyal ang Moon Qi maging ang taong nabiyayaang mag-absorb ng ganitong klaseng Qi. Naalala ko pa na hahanap ng karapat-dapat na Martial Spirit ang taong mayroong Moon Qi. Mayroong mahina at mayroon ding malakas ngunit kapag isang daang porsyento na compatible ito ay higit na espesyal ang maibibigay nitong lakas at kakayahan sa taong ito kaysa sa iba." Sambit nito habang mabilis na dinampot si Jinron at biglang naglaho sa lugar na ito.

"Umalis at magkubli kayo sa ibang lugar. Delikado na ang lugar na ito!" Ito ang huling narinig ng sampong nakarobang kulay lupa sa kanilang divine sense at walang sabing mabilis na nilisan ang lugar na kinaroroonan nila.

Maya-maya pa ay animo'y biglang nagkaroon ng biglang pagkulo ng asopre at may lumabas na isang maliit na ahas mula sa nagbabagang asopre Halos kasing laki lamang ito ng maliit na uod.

Gumapang ito mula sa paanan ni Van Grego hanggang sa gumapang ito sa kamay mismo ni Van Grego at doon ay mabilis na gumawa ng butas at mabilis na pumasok rito. Bigla na lamang itong nawala na parang bula.

Lingid sa kaalaman ng dalawang nakasaksi nito ay mabilis na kumapit ang maliit na ahas sa bandang puso ni Van Grego. Doon ay mahimbing itong natutulog.

Kasabay rin nito ay ang biglaang pagtigil sa paghalakhak ng binatang si Van Grego at mabilis na nagbago ang awra nito. Lumiwanag ang katawan nito na siyang indikasyon na matagumpay itong nagbreakthrough. Isa lang sigurado at iyon ay isa ng ganap na Martial Ancestor Realm Expert ang binatang si Van Grego.

Mabilis itong bumagsak sa lupa tanda na nawalan ito ng malay.

...

"Yun na yun? Hmmmp!" Laglag-pangang sambit ni Jinron habang mahihimigan ng pang-uuyam sa boses nito.

Napatahimik na lamang si Kai sa tabi dahil sa naging resulta ng inaasahan niyang malaking kaganapan pero hindi niya aakalaing ganon na lamang ang resulta ng lahat ng kaniyang naiisip. Malayo ito sa naikwento sa kaniya ng kaniyang lolo.

"Ano na Kai? Saan na yung sinasabi mong espesyal na mangyayari sa Moon Qi?! Hindi ko aakalaing nakakamangha naman talaga ng eksenang aking nasaksihan, yung tipong mauutot ako sa kakatawa hahahaha---- hmmm---- hmmm---hmmmm!!!!"

"Yan ang bagay sa'yo! Manahimik ka nalang!" Sambit ni Kai at dahil mabilis at marahas na binusalan ang bibig nito ng kapirasong tela.

"Ano kaya iyon?! Dapat malaman ito ng aking Ama." Sambit nito sa kaniyang sarili. Mabilis siyang lumitaw sa lalaking nakahandusay ngayon.

Mabilis niyang hinablot ang nakaitim na robang si Jinron at bigla silang lumitaw sa harapan ng binatang hindi pa niya kilala.

"Ngayon Jinron, ano ang ginawa mo sa binatang ito?! Hindi ko aakalaing nangingialam ka ng mga bagay-bagay sa maliit na lugar na ito na hindi naman dapat!" Sambit ni Kai ng paasik hàbang nakatingin ng direkta kay Jinron.

"At bakit ko naman sasagutin ang tanong mong iyan eh wala namang magbabago hindi ba?! Susumbong mo parin ako sa aking ama hmmp!" Sambit ni Jinron habang mapait itong napangiti.

"Poookkk!"

Isang hindi inaasahang malakas na batok sa ulo ang natanggap ni Jinron habang animo'y sobrang sakit nito.

"Umayos ka sa pananalita mo totoy! Ang laking perwisyo ang binigay mo sa akin sa paglalayas mo tapos sumasakit pa ang ulo ng ama mo dahil sa katigasan ng ulo mo!!!!" Sambit ni Kai habang makikita ang sobrang inis nito kay Jinron.

"Edi sana tumanggi ka nalang diba?! Yan kasi ang problema sa'yo, kapag ang ama mo talaga ang humiling ay hindi ka makatanggi eh noh!" Pang-uuyam ni Jinron kay Kai.

Nang marinig naman ito ni Kai ay halos manginig ang kamao niya hindi lamang lamang sa sobrang inis kundi ay nanggigil siya sa pambabatikos ni Jinron sa kaniya.

"Pwes, kung ayaw mong sabihin totoy ay wag mo kong sisihin na binalaan kita ha?!" Nakangising sambit ni Kai habang kinotrol nito ang katawan ni Jinron at pinalutang ang katawan nito ng patiwarik.

"Bwiset ka talaga Kai, hayop ka! Pag ako nakawala rito ay mmmmmm.... mmmm.. mmmm!"

Nagpupumiglas na sambit ni Jinron dahil nakita na lamang nito na biglang umikot ang kaniyang paningin ngunit alam niyang pabaliktad siyang pinalutang ni Kai. Bigla na lamang nawala ang boses nito ng ginamitan siya ng kapangyarihan ni Kai.

"Ang daldal mo! Sambit ni Kai habang mabilis nitong binuhat si Van Grego sa kaniyang balikat na animo'y isang malaking sako.

"Hmmp! Ano'ng binabalak mo sa binatang iyan?! Plano mo bang dalhin iyan sa Central Region?! Hahahaha... Gagamitin mo ba siya para madiin ako at mapasama sa lahat?! Hmmp!" Naiinis na sambit ni Jinron gamit ang kaniyang divine sense papunta kay Kai.

"Oo, isa lamang iyan sa dahilan kung bakit ko siya dadalhin doon. At alam mo ang pangalawang rason?! Yan ay kung akala mo ay hindi ko alam na gusto mong paslangin ang binatang ito na siyang isang pagkakamali mo dahil kakasimula palang nitong humigop mula sa kaniyang katawan ng Moon Qi. Kung hindi ka naman tanga eh noh! Dadalhin ko siya doon upang gamutin dahil kung hindi maaagapan ang hindi balanse ng enerhiya nito sa katawan ay nagmimistulang napakalakas na bomba ang katawan nito! " Paggalit na sambit ni Kai habang malakas at madiin nitong sinabi ang huling pangungusap na binitawan nito.

Sasagot o magsasalita pa sana si Jinron ngunit hindi niya magawa dahil nakasarado na ang isip ni Kai. Nagpapadyak lamang soya sa ere at nanghihimutok lamang siya mag-isa na animo'y parang baliw ito.

Mabilis siyang hinablot ni Kai at mabilis na naglaho sa ere. Ang paglalakbay sa kontinenteng ito ay masasabi ni Kai na balewala lamang sa kaniya lalo pa't isa siyang ganap na Martial Sacred Realm, mas mataas ng hindi hamak sa binatang karga niya lalo na sa pasaway at suwail na si Jinron. Nagpipigil lamang siyang hindi saktan at gulpihin ng malala si Jinron sa perwisyong ginagawa nito. As expected sa anak ng opisyales na puro gusto lamang ang gustong masunod.

More Chapters